Tito 2

Sa lahat ng bagay, maging mabuti kang halimbawa sa kanila sa paggawa ng mabuti. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.

Titus 2:7 (UKJV) In all things showing yourself a pattern of good works: in doctrine showing incorruptness, gravity, sincerity,

5maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing-bahay, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Diyos na ating itinuturo.

6Gayundin naman, hikayatin mo ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.

7Sa lahat ng bagay, maging mabuti kang halimbawa sa kanila sa paggawa ng mabuti. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.

8Tiyakin mong tama ang iyong itinuturo at walang maipipintas dito, upang ang mga sumasalungat saʼyo ay mapahiya dahil wala silang masabing masama sa atin.

9Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin sa kanilang mga amo sa lahat ng bagay, upang masiyahan ang mga ito. Huwag silang maging palasagot sa kanilang amo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.