Tito 3

Dapat matutunan ng ating mga kapatid na maging masigasig sa paggawa ng mabuti, upang makatulong sila sa mga may matinding pangangailangan at maging kapaki-pakinabang ang kanilang buhay.

Titus 3:14 (UKJV) And let our's also learn to maintain good works for necessary uses, that they be not unfruitful.

12Papupuntahin ko diyan si Artemas o si Tiquico. Kapag dumating na ang sinuman sa kanila, sikapin mong mapuntahan ako agad sa Nicopolis, dahil napagpasyahan kong doon magpalipas ng taglamig.

13Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang matulungan ang abogadong si Zenas at si Apolos sa kanilang paglalakbay, at tiyakin mong hindi sila kukulangin sa kanilang mga pangangailangan.

14Dapat matutunan ng ating mga kapatid na maging masigasig sa paggawa ng mabuti, upang makatulong sila sa mga may matinding pangangailangan at maging kapaki-pakinabang ang kanilang buhay.

15Kinukumusta ka ng lahat ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa mga kapatid diyan na nagmamahal sa atin. Sumainyong lahat nawa ang biyaya ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.