Zacarias 1

Itinanong ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga ito?” At sinabi niya sa akin, “Ipapakita ko sa iyo ang ibig sabihin nito.”

Zechariah 1:9 (UKJV) Then said I, O my lord, what are these? And the angel that talked with me said unto me, I will show you what these be.

7Sa ikadalawampuʼt apat na araw ng ikalabing-isang buwan, ang buwan ng Shebat, noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido.

8Isang gabi, nakita ko ang isang lalaking nakasakay sa kabayong kulay pula. Nakatayo siya sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya ay may mga kabayong kulay pula, kayumanggi, at puti.

9Itinanong ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga ito?” At sinabi niya sa akin, “Ipapakita ko sa iyo ang ibig sabihin nito.”

10Ang taong nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ang siyang nagpaliwanag sa akin. Sinabi niya, “Ang mga mangangabayong iyon ay ipinadala ng Panginoon upang umikot sa buong mundo.”

11Iniulat ng mga mangangabayo sa anghel ng Panginoon na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, “Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.