6“Palalakasin ko ang mga mamamayan ng Juda at ililigtas ko ang mga mamamayan ng Israel. Pababalikin ko sila sa kanilang lupain dahil naaawa ako sa kanila. At dahil ako ang Panginoon na kanilang Diyos, diringgin ko ang kanilang mga dalangin, na parang hindi ko sila itinakwil tulad ng dati.
7Ang mga mamamayan ng Efraim ay magiging katulad ng mga malalakas na kawal. Magiging masaya sila na parang nakainom ng alak. Ang tagumpay na itoʼy maaalala ng kanilang mga kaapo-apohan at matutuwa sila dahil sa ginawa Panginoon.
8Tatawagin ko ang aking mga mamamayan at titipunin ko sila. Palalayain ko sila, at dadami sila tulad nang dati.
9Kahit na ikinalat ko sila sa ibang bansa, maaalala pa rin nila ako roon. Mananatili silang buhay pati ang kanilang mga anak, at babalik sila sa kanilang lupain.
10Pauuwiin ko sila mula sa Ehipto at Asiria, at patitirahin ko sila sa Gilead at Lebanon. Magiging masikip sila sa kanilang lupain.