12Sinabi ko sa kanila, “Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang.” Kaya binayaran nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod ko.
13Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ilagay mo ang pilak na iyan sa kabang-yaman ng Templo.” Kaya kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak, na inaakala nilang sapat na bilang aking sahod, at inilagay ko iyon sa kabang-yaman ng templo ng Panginoon.
14Pagkatapos, binali ko ang pangalawang tungkod na tinatawag na Pagkakaisa upang ipahiwatig na naputol na ang magandang pagsasamahan ng Juda at ng Israel.
15Sinabing muli ng Panginoon sa akin, “Magkunwari kang isang walang kuwentang pastol ng mga tupa.
16Sapagkat may ilalagay akong isang pastol sa lupaing ito na hindi aalalahanin ang mga naghihingalo, o hahanapin ang mga nawawala, o gagamutin ang mga sugatan, o pakakainin ang malulusog. Sa halip, kakainin niya ang karne ng matatabang tupa at bubunutin ang mga kuko ng mga ito.