6Sapagkat hindi ko na rin kahahabagan ang mga nakatira sa lupaing ito,” sabi ng Panginoon. “Ipapaubaya ko ang bawat tao sa kamay ng kanyang kapwa at ng kanyang hari. Ipapahamak nila ang lupaing ito, at hindi ko ito ililigtas sa kanilang mga kamay.”
7Kaya inalagaan ko ang mga tupang kakatayin ng mga nagbebenta ng mga tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isa ay tinawag kong Kabutihan at ang isa naman ay tinawag kong Pagkakaisa.
8Pinaalis ko ang tatlong pastol sa loob lamang ng isang buwan. Naubos na ang pasensya ko sa kanila, at sila rin ay galit sa akin.
9Pagkatapos, sinabi ko sa mga tupa, “Hindi na ako ang inyong pastol. Hayaang mamatay ang mga naghihingalo at mapahamak ang mga mapapahamak. At ang mga matitira ay hayaang kainin ang laman ng isaʼt isa.”
10Pagkatapos, kinuha ko ang tungkod na tinatawag na Kabutihan at binali ko upang ipahiwatig na ipinawalang-bisa ng Panginoon ang kanyang kasunduan sa mga tao.