Zacarias 14

Ang mga taga-Ehiptong hindi pupunta sa Jerusalem ay padadalhan ng Panginoon ng isang uri ng salot na katulad ng salot na kanyang ipapadala sa mga bansang hindi pupunta para ipagdiwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

Zechariah 14:18 (UKJV) And if the family of Egypt go not up, and come not, that have no rain; there shall be the plague, wherewith the LORD will strike the heathen that come not up to keep the feast of tabernacles.

16Pagkatapos, ang lahat ng natitirang mga tao sa mga bansang sumalakay sa Jerusalem ay pupunta sa Jerusalem taon-taon para sumamba sa Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo, at upang makipag-isa sa pagdiriwang ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

17Ang mga taong hindi pupunta sa Jerusalem para sumamba sa Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay hindi padadalhan ng ulan.

18Ang mga taga-Ehiptong hindi pupunta sa Jerusalem ay padadalhan ng Panginoon ng isang uri ng salot na katulad ng salot na kanyang ipapadala sa mga bansang hindi pupunta para ipagdiwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

19Iyan ang parusa sa Ehipto at sa lahat ng bansang hindi pupunta sa Jerusalem para ipagdiwang ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.

20Sa araw na iyon na sasamba ang mga bansa sa Panginoon, isusulat sa mga kampanilyang palamuti ng mga kabayo ang mga katagang, “Itinalaga sa Panginoon.” Ang mga lutuan sa templo ng Panginoon ay magiging kasimbanal ng mga mangkok na ginagamit sa altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.