Zacarias 3

Ngunit sinabi ng anghel ng Panginoon kay Satanas, “Ayon sa Panginoon na pumili sa Jerusalem, mali ka Satanas. Hindi baʼt ito ang taong tulad ng nagniningas na panggatong na hinila mula sa apoy?”

Zechariah 3:2 (UKJV) And the LORD said unto Satan, The LORD rebuke you, O Satan; even the LORD that has chosen Jerusalem rebuke you: is not this a brand plucked out of the fire?

1Ipinakita sa akin ng Panginoon ang punong pari na si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon. Nakatayo naman sa gawing kanan niya si Satanas upang paratangan siya.

2Ngunit sinabi ng anghel ng Panginoon kay Satanas, “Ayon sa Panginoon na pumili sa Jerusalem, mali ka Satanas. Hindi baʼt ito ang taong tulad ng nagniningas na panggatong na hinila mula sa apoy?”

3Marumi ang damit ni Josue habang nakatayo siya sa harapan ng anghel.

4Kaya sinabi ng anghel sa iba pang mga anghel na nakatayo sa harapan ni Josue, “Hubarin ninyo ang kanyang maruming damit.” Pagkatapos, sinabi ng anghel kay Josue, “Inalis ko na ang iyong mga kasalanan. Ngayon, bibihisan kita ng bagong damit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.