Zacarias 4

May dalawang puno ng olibo sa magkabila nito, isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

Zechariah 4:3 (UKJV) And two olive trees by it, one upon the right side of the bowl, and the other upon the left side thereof.

1Bumalik ang anghel na nakipag-usap sa akin at ginising ako dahil tila nakatulog ako.

2Tinanong niya ako, “Ano ang nakita mo?” Sumagot ako, “Nakita ko ang isang gintong patungan ng ilawan. Sa itaas nito ay may mangkok na lalagyan ng langis. Sa paligid ng mangkok ay may pitong ilawan na ang bawat isa ay may pitong tubo na dinadaluyan ng langis.

3May dalawang puno ng olibo sa magkabila nito, isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

4Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ba ang ibig sabihin ng mga iyan?”

5Sumagot ang anghel, “Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng mga iyan?” Sumagot ako, “Hindi po.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.