Zacarias 4

“Kahit kasinlaki pa ng bundok ang hadlang na iyong haharapin, Zerubabel, magiging patag ito. At kapag ilalatag mo ang kahuli-hulihang bato, magsisigawan ang mga tao na magsasabi, ‘Panginoon, pagpalain nʼyo nawa ito.’”

Zechariah 4:7 (UKJV) Who are you, O great mountain? before Zerubbabel you shall become a plain: and he shall bring forth the headstone thereof with shoutings, crying, Grace, grace unto it.

5Sumagot ang anghel, “Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng mga iyan?” Sumagot ako, “Hindi po.”

6Kaya sinabi niya sa akin, “Ito ang sasabihin mo kay Zerubabel mula sa Panginoon: ‘Hindi sa pamamagitan ng lakas o kakayahan ng tao kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

7“Kahit kasinlaki pa ng bundok ang hadlang na iyong haharapin, Zerubabel, magiging patag ito. At kapag ilalatag mo ang kahuli-hulihang bato, magsisigawan ang mga tao na magsasabi, ‘Panginoon, pagpalain nʼyo nawa ito.’”

8Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon:

9Si Zerubabel ang siyang nagtayo ng pundasyon ng Templo at siya rin ang tatapos nito. At dahil dito, malalaman ninyong ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagsugo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.