10Huwag ninyong gigipitin ang mga biyuda, mga ulila, mga dayuhan, at ang mga mahihirap. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa isaʼt isa.’
11“Ngunit hindi nila pinansin ang aking sinabi. Tinanggihan nila ito at hindi sila nakinig.
12Pinatigas nilang parang bato ang kanilang mga puso, at hindi sila nakinig sa Kautusan ng Panginoon ng mga Hukbo at sa mga salitang ipinasasabi ng kanyang Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta noon. Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay talagang galit na galit.
13“At dahil hindi sila nakinig sa mga sinabi ko, hindi rin ako makikinig kapag tumawag sila sa akin.
14Itinaboy ko silang parang ipuipo sa ibaʼt ibang lugar kung saan sila ay mga dayuhan. Iniwanan nila ang kanilang magandang lupain na hindi na mapapakinabangan at hindi na rin matitirhan.”