Zacarias 7

Ito rin ang mensaheng ipinasabi ng Panginoon sa mga propeta noon, nang masagana pa ang Jerusalem at marami pa itong tao pati ang mga bayang nasa paligid nito, at pati na ang Negeb at ang kaburulan sa kanluran.”

Zechariah 7:7 (UKJV) Should all of you not hear the words which the LORD has cried by the former prophets, when Jerusalem was inhabited and in prosperity, and the cities thereof round about her, when men inhabited the south and the plain?

5“Sabihin mo sa lahat ng mga mamamayan ng Israel pati sa mga pari, na ang kanilang pag-aayuno at pagluluksa sa bawat ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon ay hindi nila ginagawa para sa akin.

6At kung silaʼy kumakain at umiinom, ginagawa nila iyan para lamang sa sarili nilang kaligayahan.

7Ito rin ang mensaheng ipinasabi ng Panginoon sa mga propeta noon, nang masagana pa ang Jerusalem at marami pa itong tao pati ang mga bayang nasa paligid nito, at pati na ang Negeb at ang kaburulan sa kanluran.”

8Sinabi muli ng Panginoon kay Zacarias,

9“Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga mamamayan: ‘Humatol kayo nang makatarungan. Ipakita ninyo ang inyong kabutihan at habag sa isaʼt isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.