Zefanias 1

at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.

Zephaniah 1:16 (UKJV) A day of the trumpet and alarm against the fenced cities, and against the high towers.

14Malapit na ang nakakatakot na araw ng paghatol ng Panginoon. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong.

15Sa araw na iyon, ipapakita ng Diyos ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon,

16at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.

17“Sinabi ng Panginoon, ‘Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao, at lalakad sila na parang bulag dahil nagkasala sila sa akin. Dadaloy na parang tubig ang kanilang dugo, at mabubulok na parang dumi ang kanilang bangkay.

18Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking poot na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat tuluyan kong wawakasan ang lahat nang naninirahan sa lupa.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.