1Kahabag-habag ang lungsod ng mga mang-aapi, mga rebelde at marurumi.
2Hindi sila nakikinig kahit kanino, at ayaw nilang magpaturo. Hindi sila nagtitiwala sa Panginoon na kanilang Diyos, ni lumalapit sa kanya.
3Ang kanilang mga opisyal ay parang mga leon na umaatungal. Ang kanilang mga pinuno ay parang mga lobong naghahanap ng makakain kung gabi, at walang itinitira pagsapit ng umaga.
4Ang kanilang mga propeta ay padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa at hindi mapagkakatiwalaan. Nilalapastangan ng kanilang mga pari ang mga bagay na banal at sinusuway ang kautusan ng Diyos.