4Ang kanilang mga propeta ay padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa at hindi mapagkakatiwalaan. Nilalapastangan ng kanilang mga pari ang mga bagay na banal at sinusuway ang kautusan ng Diyos.
5Subalit naroon pa rin ang presensya ng Panginoon sa kanilang lungsod. At hindi siya gumagawa ng mali. Araw-araw niyang ipinapakita ang kanyang katarungan, at nananatili siyang tapat. Subalit ang masasamâ ay hindi nahihiya sa ginagawa nila.
6Sinabi ng Panginoon, “Nilipol ko ang mga bansa; giniba ko ang kanilang mga lungsod pati ang kanilang mga pader at mga tore. Wala nang natirang mga mamamayan, kaya wala nang makikitang taong naglalakad sa kanilang mga lansangan.
7Dahil sa mga ginawa kong ito akala koʼy igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Ngunit lalo pa silang nagpakasama.
8Kaya hintayin ninyo ako,” sabi ng Panginoon. “Darating ang araw na akoʼy tatayo at aking uusigin ang mga bansa. Sapagkat napagpasyahan kong tipunin ang mga bansa at mga kaharian para ibuhos sa kanila ang matindi kong poot. Ang nagliliyab kong galit ang tutupok sa buong mundo.