42Ang mga lalaking anak ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang mga lalaking anak ni Disan ay sina Uz at Aran.
43Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita: Si Bela na mula sa lungsod ng Dinaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
44Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.
45Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husam na taga-Teman.
46Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.