44Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.
45Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husam na taga-Teman.
46Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.
47Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreca.
48Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates.