1 Mga Cronica 10

Kinabukasan, nang pumunta ang mga Filisteo sa Bundok ng Gilboa upang kunin ang mahahalagang bagay sa mga namatay na sundalo, nakita nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak.

1 Chronicles 10:8 (UKJV) And it came to pass on the next day, when the Philistines came to strip the slain, that they found Saul and his sons fallen in mount Gilboa.

6Kaya namatay si Saul, ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lahat ng pamilya niya.

7Nang panahong iyon, may mga Israelitang nakatira sa lambak ng Jezreel. Nang makita nilang nagsitakas ang mga sundalo ng Israel at patay na si Saul pati ang mga anak niya, iniwan nila ang mga bayan nila at nagsitakas din. Kaya pinasok ng mga Filisteo ang mga bayan at tinirhan nila ang mga ito.

8Kinabukasan, nang pumunta ang mga Filisteo sa Bundok ng Gilboa upang kunin ang mahahalagang bagay sa mga namatay na sundalo, nakita nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak.

9Kinuha nila ang mga armas ni Saul at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo upang ibalita sa kanilang mga diyos-diyosan at mga kababayan na patay na si Saul.

10Inilagay nila ang armas ni Saul sa templo ng kanilang mga diyos, at isinabit ang ulo niya sa templo ng diyos nilang si Dagon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.