1 Mga Cronica 10

Kinuha nila ang mga armas ni Saul at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo upang ibalita sa kanilang mga diyos-diyosan at mga kababayan na patay na si Saul.

1 Chronicles 10:9 (UKJV) And when they had stripped him, they took his head, and his armour, and sent into the land of the Philistines round about, to carry tidings unto their idols, and to the people.

7Nang panahong iyon, may mga Israelitang nakatira sa lambak ng Jezreel. Nang makita nilang nagsitakas ang mga sundalo ng Israel at patay na si Saul pati ang mga anak niya, iniwan nila ang mga bayan nila at nagsitakas din. Kaya pinasok ng mga Filisteo ang mga bayan at tinirhan nila ang mga ito.

8Kinabukasan, nang pumunta ang mga Filisteo sa Bundok ng Gilboa upang kunin ang mahahalagang bagay sa mga namatay na sundalo, nakita nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak.

9Kinuha nila ang mga armas ni Saul at pinutol ang ulo nito. Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo upang ibalita sa kanilang mga diyos-diyosan at mga kababayan na patay na si Saul.

10Inilagay nila ang armas ni Saul sa templo ng kanilang mga diyos, at isinabit ang ulo niya sa templo ng diyos nilang si Dagon.

11Nabalitaan ng mga taga-Jabes-gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.