1 Mga Cronica 11

Mula pa noon, kahit nang si Saul pa ang aming hari, ikaw na ang namumuno sa mga Israelita sa pakikipaglaban. At sinabi sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos, ‘Aalagaan mo ang mga mamamayan kong Israelita, tulad ng isang pastol ng mga tupa. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’ ”

1 Chronicles 11:2 (UKJV) And moreover in time past, even when Saul was king, you were he that led out and brought in Israel: and the LORD your God said unto you, You shall feed my people Israel, and you shall be ruler over my people Israel.

1Pumunta ang lahat ng mga Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Mga kamag-anak mo kami.

2Mula pa noon, kahit nang si Saul pa ang aming hari, ikaw na ang namumuno sa mga Israelita sa pakikipaglaban. At sinabi sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos, ‘Aalagaan mo ang mga mamamayan kong Israelita, tulad ng isang pastol ng mga tupa. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’ ”

3Kaya roon sa Hebron, gumawa si David ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Panginoon, at binuhusan nila ng langis ang ulo ni David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

4Pumunta si David at lahat ng mga Israelita sa Jerusalem (na dating Jebus) upang lusubin ito. Ang mga Jebuseo na nakatira roon

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.