1Pumunta ang lahat ng mga Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Mga kamag-anak mo kami.
2Mula pa noon, kahit nang si Saul pa ang aming hari, ikaw na ang namumuno sa mga Israelita sa pakikipaglaban. At sinabi sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos, ‘Aalagaan mo ang mga mamamayan kong Israelita, tulad ng isang pastol ng mga tupa. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’ ”
3Kaya roon sa Hebron, gumawa si David ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Panginoon, at binuhusan nila ng langis ang ulo ni David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.
4Pumunta si David at lahat ng mga Israelita sa Jerusalem (na dating Jebus) upang lusubin ito. Ang mga Jebuseo na nakatira roon
5ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion, na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.