1 Mga Cronica 11

ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion, na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.

1 Chronicles 11:5 (UKJV) And the inhabitants of Jebus said to David, You shall not come here. Nevertheless David took the castle of Zion, which is the city of David.

3Kaya roon sa Hebron, gumawa si David ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Panginoon, at binuhusan nila ng langis ang ulo ni David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

4Pumunta si David at lahat ng mga Israelita sa Jerusalem (na dating Jebus) upang lusubin ito. Ang mga Jebuseo na nakatira roon

5ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion, na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.

6Sinabi ni David, “Ang sinumang manguna sa paglusob sa mga Jebuseo ang magiging kumander ng mga sundalo.” Si Joab na anak ni Zeruias ang nanguna sa paglusob kaya siya ang naging kumander.

7Pagkatapos maagaw ni David ang matatag na kutang iyon, doon na siya tumira. At tinawag niya itong Lungsod ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.