4Pumunta si David at lahat ng mga Israelita sa Jerusalem (na dating Jebus) upang lusubin ito. Ang mga Jebuseo na nakatira roon
5ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion, na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.
6Sinabi ni David, “Ang sinumang manguna sa paglusob sa mga Jebuseo ang magiging kumander ng mga sundalo.” Si Joab na anak ni Zeruias ang nanguna sa paglusob kaya siya ang naging kumander.
7Pagkatapos maagaw ni David ang matatag na kutang iyon, doon na siya tumira. At tinawag niya itong Lungsod ni David.
8Pinadagdagan niya ang mga pader sa paligid mula sa mababang parte ng lungsod. Si Joab ang namamahala sa pag-aayos ng ibang bahagi ng lungsod.