1 Mga Cronica 11

Pagkatapos maagaw ni David ang matatag na kutang iyon, doon na siya tumira. At tinawag niya itong Lungsod ni David.

1 Chronicles 11:7 (UKJV) And David dwelt in the castle; therefore they called it the city of David.

5ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion, na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.

6Sinabi ni David, “Ang sinumang manguna sa paglusob sa mga Jebuseo ang magiging kumander ng mga sundalo.” Si Joab na anak ni Zeruias ang nanguna sa paglusob kaya siya ang naging kumander.

7Pagkatapos maagaw ni David ang matatag na kutang iyon, doon na siya tumira. At tinawag niya itong Lungsod ni David.

8Pinadagdagan niya ang mga pader sa paligid mula sa mababang parte ng lungsod. Si Joab ang namamahala sa pag-aayos ng ibang bahagi ng lungsod.

9Naging makapangyarihan si David, dahil tinutulungan siya ng Panginoon ng mga Hukbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.