1 Mga Cronica 11

May isa pang matapang na lalaking ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Joiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

1 Chronicles 11:22 (UKJV) Benaiah the son of Jehoiada, the son of a valiant man of Kabzeel, who had done many acts; he slew two lionlike men of Moab: also he went down and slew a lion in a pit in a snowy day.

20Si Abisai na kapatid ni Joab ang pinuno ng Tatlo. Nakapatay siya ng tatlong daang Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya gaya ng tatlong magigiting na kawal,

21pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa tatlumpu niyang kasama, siya ang naging kumander nila.

22May isa pang matapang na lalaking ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Joiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

23Pinatay din niya ang isang Ehipsiyong may taas na pitoʼt kalahating talampakan. Ang armas ng Ehipsiyong ito ay sibat na mabigat at makapal, pero ang armas niyaʼy isang pamalo lang. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay sa kanya.

24Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Joiada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong magigiting na kawal,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.