22May isa pang matapang na lalaking ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Joiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.
23Pinatay din niya ang isang Ehipsiyong may taas na pitoʼt kalahating talampakan. Ang armas ng Ehipsiyong ito ay sibat na mabigat at makapal, pero ang armas niyaʼy isang pamalo lang. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay sa kanya.
24Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Joiada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong magigiting na kawal,
25pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang tatlumpung kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.
26Ito ang mga magigiting na kawal ni David: si Asahel na kapatid ni Joab, si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem,