1 Mga Cronica 11

pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang tatlumpung kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.

1 Chronicles 11:25 (UKJV) Behold, he was honourable among the thirty, but attained not to the first three: and David set him over his guard.

23Pinatay din niya ang isang Ehipsiyong may taas na pitoʼt kalahating talampakan. Ang armas ng Ehipsiyong ito ay sibat na mabigat at makapal, pero ang armas niyaʼy isang pamalo lang. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay sa kanya.

24Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Joiada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong magigiting na kawal,

25pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang tatlumpung kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.

26Ito ang mga magigiting na kawal ni David: si Asahel na kapatid ni Joab, si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem,

27si Samot na taga-Harod, si Helez na taga-Pelon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.