24Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalong may mga dalang sibat at pana.
25Mula sa lahi ni Simeon: 7,100 na sundalo.
26Mula sa lahi ni Levi: 4,600 na sundalo,
27kabilang na si Jehoiada na pinuno ng pamilya ni Aaron at ang kanyang 3,700 tauhan,
28at si Sadoc na isang matapang at kabataang mandirigma at ang dalawampuʼt dalawang opisyal mula sa kanyang pamilya.