22Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David upang tumulong, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Diyos.
23Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:
24Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalong may mga dalang sibat at pana.
25Mula sa lahi ni Simeon: 7,100 na sundalo.
26Mula sa lahi ni Levi: 4,600 na sundalo,