1 Mga Cronica 12

Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David upang tumulong, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Diyos.

1 Chronicles 12:22 (UKJV) For at that time day by day there came to David to help him, until it was a great host, like the host of God.

20Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manases na sumáma kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng isang libong sundalo sa lahi ni Manases.

21Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David.

22Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David upang tumulong, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Diyos.

23Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:

24Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalong may mga dalang sibat at pana.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.