1 Mga Cronica 12

Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David.

1 Chronicles 12:21 (UKJV) And they helped David against the band of the rovers: for they were all mighty men of valour, and were captains in the host.

19May mga tao rin na mula sa lahi ni Manases ang sumáma kay David nang pumunta siya sa mga Filisteo upang makipaglaban kay Saul. Ngunit hindi pumayag ang mga Filisteo na sumáma si David at ang mga tauhan niya, dahil iniisip nila na baka muling pumanig si David sa amo niyang si Saul. Kaya pagkatapos nilang mag-usap, pinabalik nila si David.

20Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manases na sumáma kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng isang libong sundalo sa lahi ni Manases.

21Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David.

22Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David upang tumulong, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Diyos.

23Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.