1 Mga Cronica 12

May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumáma kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo na handang makipagdigma at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan.

1 Chronicles 12:8 (UKJV) And of the Gadites there separated themselves unto David into the hold to the wilderness men of might, and men of war fit for the battle, that could handle shield and buckler, whose faces were like the faces of lions, and were as swift as the roes upon the mountains;

6sina Elcana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na mga angkan ni Kora,

7sina Joela at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.

8May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumáma kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo na handang makipagdigma at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan.

9Si Ezer ang pinuno nila, si Obadias ang pangalawa, si Eliab ang pangatlo,

10si Mismana ang pang-apat, si Jeremias ang panglima,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.