7sina Joela at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.
8May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumáma kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo na handang makipagdigma at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan.
9Si Ezer ang pinuno nila, si Obadias ang pangalawa, si Eliab ang pangatlo,
10si Mismana ang pang-apat, si Jeremias ang panglima,
11si Atai ang pang-anim, si Eliel ang pampito,