1 Mga Cronica 14

Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tiro kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.

1 Chronicles 14:1 (UKJV) Now Hiram king of Tyre sent messengers to David, and timber of cedars, with stone workers and carpenters, to build him an house.

1Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tiro kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.

2At dito nalaman ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari at nagpalago ng kaharian niya para sa mga mamamayan niyang Israelita.

3Doon sa Jerusalem, marami pang naging asawa si David, at nadagdagan pa ang mga anak niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.