1 Mga Cronica 15

Pagkatapos, ipinatawag ni David ang mga paring sina Sadoc at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab.

1 Chronicles 15:11 (UKJV) And David called for Zadok and Abiathar the priests, and for the Levites, for Uriel, Asaiah, and Joel, Shemaiah, and Eliel, and Amminadab,

9Mula sa mga angkan ni Hebron, walumpu, at pinamumunuan sila ni Eliel.

10Mula sa mga angkan ni Uziel, isang daan at labindalawa, at pinamumunuan sila ni Aminadab.

11Pagkatapos, ipinatawag ni David ang mga paring sina Sadoc at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab.

12Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng mga pamilyang Levita. Linisin nʼyo ang inyong mga sarili at ganoon din ang mga kapwa nʼyo Levita, upang madala ninyo ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa lugar na inihanda ko para rito.

13Dahil noong una hindi kayo ang nagdala ng Kahon ng Kasunduan. Pinarusahan tayo ng Panginoon na ating Diyos dahil hindi tayo nagtanong sa kanya kung paano ito dadalhin sa tamang paraan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.