10Mula sa mga angkan ni Uziel, isang daan at labindalawa, at pinamumunuan sila ni Aminadab.
11Pagkatapos, ipinatawag ni David ang mga paring sina Sadoc at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab.
12Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng mga pamilyang Levita. Linisin nʼyo ang inyong mga sarili at ganoon din ang mga kapwa nʼyo Levita, upang madala ninyo ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa lugar na inihanda ko para rito.
13Dahil noong una hindi kayo ang nagdala ng Kahon ng Kasunduan. Pinarusahan tayo ng Panginoon na ating Diyos dahil hindi tayo nagtanong sa kanya kung paano ito dadalhin sa tamang paraan.”
14Kaya nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang sarili upang madala nila ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.