1 Mga Cronica 15

Kaya nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang sarili upang madala nila ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

1 Chronicles 15:14 (UKJV) So the priests and the Levites sanctified themselves to bring up the ark of the LORD God of Israel.

12Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng mga pamilyang Levita. Linisin nʼyo ang inyong mga sarili at ganoon din ang mga kapwa nʼyo Levita, upang madala ninyo ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa lugar na inihanda ko para rito.

13Dahil noong una hindi kayo ang nagdala ng Kahon ng Kasunduan. Pinarusahan tayo ng Panginoon na ating Diyos dahil hindi tayo nagtanong sa kanya kung paano ito dadalhin sa tamang paraan.”

14Kaya nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang sarili upang madala nila ang Kahon ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

15Pinagtulungang pasanin ng mga Levita ang Kahon ng Diyos sa pamamagitan ng tukod, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

16Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.