1 Mga Cronica 15

Kaya pinili ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; ang kamag-anak nilang si Asaf na anak ni Berequias; at mula sa angkan ni Merari, si Etan na anak ni Cusaias.

1 Chronicles 15:17 (UKJV) So the Levites appointed Heman the son of Joel; and of his brethren, Asaph the son of Berechiah; and of the sons of Merari their brethren, Ethan the son of Kushaiah;

15Pinagtulungang pasanin ng mga Levita ang Kahon ng Diyos sa pamamagitan ng tukod, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

16Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang.

17Kaya pinili ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; ang kamag-anak nilang si Asaf na anak ni Berequias; at mula sa angkan ni Merari, si Etan na anak ni Cusaias.

18Ang piniling tutulong sa kanila ay ang mga kamag-anak nilang sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maasias, Matitias, Elifelehu, Micneias, at ang mga tagapagbantay ng pintuan na sina Obed-edom at Jeiel.

19Ang pinagkatiwalaang tumugtog ng mga tansong pompyang ay sina Heman, Asaf at Etan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.