16Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang.
17Kaya pinili ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; ang kamag-anak nilang si Asaf na anak ni Berequias; at mula sa angkan ni Merari, si Etan na anak ni Cusaias.
18Ang piniling tutulong sa kanila ay ang mga kamag-anak nilang sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maasias, Matitias, Elifelehu, Micneias, at ang mga tagapagbantay ng pintuan na sina Obed-edom at Jeiel.
19Ang pinagkatiwalaang tumugtog ng mga tansong pompyang ay sina Heman, Asaf at Etan.
20Ang pinagkatiwalaang tumugtog ng mga lira sa mataas na tono ay sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias at Benaias.