1 Mga Cronica 16

Kasama rin nila sina Heman, Jedutun, at ang iba pang mga pinili sa pag-awit ng pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niyang walang hanggan.

1 Chronicles 16:41 (UKJV) And with them Heman and Jeduthun, and the rest that were chosen, who were expressed by name, to give thanks to the LORD, because his mercy endures for ever;

39Ipinagkatiwala ni David sa pari na si Sadoc at sa kanyang mga kapwa pari ang Tabernakulo ng Panginoon doon sa mataas na lugar sa Gibeon.

40Sila ang palaging nag-aalay ng mga handog na sinusunog sa altar, araw at gabi, ayon sa lahat ng nakasulat sa Kautusan ng Panginoon na ibinigay niya sa Israel.

41Kasama rin nila sina Heman, Jedutun, at ang iba pang mga pinili sa pag-awit ng pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niyang walang hanggan.

42Tungkulin nina Heman at Jedutun ang pagpapatunog ng mga trumpeta, pompyang at ng iba pang mga instrumento na ginagamit sa pag-awit ng mga awitin para sa Diyos. Ang mga anak naman ni Jedutun ang pinagkatiwalaang magbantay sa pintuan.

43Pagkatapos, umuwi ang lahat sa mga bahay nila, at si David ay umuwi rin upang basbasan ang kanyang pamilya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.