41Kasama rin nila sina Heman, Jedutun, at ang iba pang mga pinili sa pag-awit ng pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niyang walang hanggan.
42Tungkulin nina Heman at Jedutun ang pagpapatunog ng mga trumpeta, pompyang at ng iba pang mga instrumento na ginagamit sa pag-awit ng mga awitin para sa Diyos. Ang mga anak naman ni Jedutun ang pinagkatiwalaang magbantay sa pintuan.
43Pagkatapos, umuwi ang lahat sa mga bahay nila, at si David ay umuwi rin upang basbasan ang kanyang pamilya.