1 Mga Cronica 16

Ang mga pari na sina Benaias at Jahaziel ang palaging nagpapatunog ng mga trumpeta sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Diyos.

1 Chronicles 16:6 (UKJV) Benaiah also and Jahaziel the priests with trumpets continually before the ark of the covenant of God.

4Pumili si David ng mga Levita na maglilingkod sa harap ng Kahon ng Panginoon upang manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

5Si Asaf ang nanguna sa kanila at siya ang nagpapatunog ng mga pompyang. Sumunod sa kanya ay sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom, at Jeiel. Sila ang mga tagatugtog ng lira at alpa.

6Ang mga pari na sina Benaias at Jahaziel ang palaging nagpapatunog ng mga trumpeta sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Diyos.

7Nang araw na iyon, sa unang pagkakataon ay ibinigay ni David kay Asaf at sa mga kapwa niya Levita ang awit na ito ng pasasalamat sa Panginoon:

8Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.