1 Mga Cronica 16

Pumili si David ng mga Levita na maglilingkod sa harap ng Kahon ng Panginoon upang manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

1 Chronicles 16:4 (UKJV) And he appointed certain of the Levites to minister before the ark of the LORD, and to record, and to thank and praise the LORD God of Israel:

2Pagkatapos ihandog ni David ang mga ito, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoon.

3Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae.

4Pumili si David ng mga Levita na maglilingkod sa harap ng Kahon ng Panginoon upang manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

5Si Asaf ang nanguna sa kanila at siya ang nagpapatunog ng mga pompyang. Sumunod sa kanya ay sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom, at Jeiel. Sila ang mga tagatugtog ng lira at alpa.

6Ang mga pari na sina Benaias at Jahaziel ang palaging nagpapatunog ng mga trumpeta sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.