1 Mga Cronica 16

Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae.

1 Chronicles 16:3 (UKJV) And he dealt to every one of Israel, both man and woman, to every one a loaf of bread, and a good piece of flesh, and a flagon of wine.

1Inilagay nila ang Kahon ng Diyos sa loob ng toldang itinayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.

2Pagkatapos ihandog ni David ang mga ito, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoon.

3Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae.

4Pumili si David ng mga Levita na maglilingkod sa harap ng Kahon ng Panginoon upang manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

5Si Asaf ang nanguna sa kanila at siya ang nagpapatunog ng mga pompyang. Sumunod sa kanya ay sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom, at Jeiel. Sila ang mga tagatugtog ng lira at alpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.