1Inilagay nila ang Kahon ng Diyos sa loob ng toldang itinayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.
2Pagkatapos ihandog ni David ang mga ito, binasbasan niya ang mga tao sa pangalan ng Panginoon.
3Binigyan niya ng tinapay, karne, at pasas ang bawat isang Israelita, lalaki man o babae.