12Siya ang magpapatayo ng bahay para sa akin, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.
13Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Mananatili ang pag-ibig ko sa kanya hindi gaya ng ginawa ko kay Saul na pinalitan mong hari.
14Pamamahalain ko siya sa aking mga mamamayan at kaharian, at ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.’ ”
15Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa kanya.
16Pagkatapos, pumasok si Haring David sa Toldang Tipanan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Diyos, sino po ba ako at ang sambahayan ko upang pagpalain nʼyo nang ganito?