1 Mga Cronica 17

Pagkatapos, pumasok si Haring David sa Toldang Tipanan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Diyos, sino po ba ako at ang sambahayan ko upang pagpalain nʼyo nang ganito?

1 Chronicles 17:16 (UKJV) And David the king came and sat before the LORD, and said, Who am I, O LORD God, and what is mine house, that you have brought me until now?

14Pamamahalain ko siya sa aking mga mamamayan at kaharian, at ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.’ ”

15Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa kanya.

16Pagkatapos, pumasok si Haring David sa Toldang Tipanan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Diyos, sino po ba ako at ang sambahayan ko upang pagpalain nʼyo nang ganito?

17Ngayon, O Diyos, may pangako pa kayo tungkol sa kinabukasan ng sambahayan ko. Itinuring nʼyo ako na parang pinakadakilang tao, O Panginoong Diyos.

18“Ano pa po ba ang masasabi ko sa pagpaparangal ninyo sa akin? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.