1 Mga Cronica 17

“Ano pa po ba ang masasabi ko sa pagpaparangal ninyo sa akin? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.

1 Chronicles 17:18 (UKJV) What can David speak more to you for the honour of your servant? for you know your servant.

16Pagkatapos, pumasok si Haring David sa Toldang Tipanan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Diyos, sino po ba ako at ang sambahayan ko upang pagpalain nʼyo nang ganito?

17Ngayon, O Diyos, may pangako pa kayo tungkol sa kinabukasan ng sambahayan ko. Itinuring nʼyo ako na parang pinakadakilang tao, O Panginoong Diyos.

18“Ano pa po ba ang masasabi ko sa pagpaparangal ninyo sa akin? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.

19O Panginoon, alang-alang po sa aking inyong lingkod at ayon na rin sa inyong kalooban, ginawa nʼyo ang mga dakilang bagay na ito at inihayag ito sa akin.

20“Panginoon, wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.