1 Mga Cronica 17

“Panginoon, tunay ngang kayo ang Diyos! Ipinangako nʼyo po sa inyong lingkod ang mga magagandang bagay na ito.

1 Chronicles 17:26 (UKJV) And now, LORD, you are God, and have promised this goodness unto your servant:

24Kapag magkatotoo ang inyong pangako, kayo ay kikilalanin at dadakilain magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel, ay siyang Diyos ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman.

25“Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito aking Diyos, dahil ipinahayag ninyo sa akin na inyong lingkod na magpapatuloy ang aking paghahari sa pamamagitan ng aking angkan.

26“Panginoon, tunay ngang kayo ang Diyos! Ipinangako nʼyo po sa inyong lingkod ang mga magagandang bagay na ito.

27At ngayon, nalulugod po kayong pagpalain ang sambahayan ko upang magpatuloy ito sa presensya nʼyo magpakailanman. Sapagkat kapag nagpapala kayo Panginoon, ang pagpapala ninyoʼy magpakailanman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.