1 Mga Cronica 17

Kapag magkatotoo ang inyong pangako, kayo ay kikilalanin at dadakilain magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel, ay siyang Diyos ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman.

1 Chronicles 17:24 (UKJV) Let it even be established, that your name may be magnified for ever, saying, The LORD of hosts is the God of Israel, even a God to Israel: and let the house of David your servant be established before you.

22Ginawa nʼyong sariling mamamayan ang mga Israelita magpakailanman, at kayo, Panginoon, ang kanilang naging Diyos.

23“At ngayon, Panginoon, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya. Nawaʼy ang pangakong ito ay magtatagal magpakailanman.

24Kapag magkatotoo ang inyong pangako, kayo ay kikilalanin at dadakilain magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel, ay siyang Diyos ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman.

25“Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito aking Diyos, dahil ipinahayag ninyo sa akin na inyong lingkod na magpapatuloy ang aking paghahari sa pamamagitan ng aking angkan.

26“Panginoon, tunay ngang kayo ang Diyos! Ipinangako nʼyo po sa inyong lingkod ang mga magagandang bagay na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.